Driver Hugot!
Naranasan n’yo na bang dumaan sa maraming challenges?
‘Yung tipong katatapos lang ng isa, mayroon na naman?
Bilang driver, naitanong ninyo na rin ba kung dapat nga ba ninyong pagdaanan ang lahat ng iyon?
Ako si John ‘di tunay na pangalan, may anak na dalawa, parehas na maliliit pa, hirap ako makahanap ng trabaho, ‘di ako tapos ng pag-aaral, tanging pagmamaneho lang ang alam ko
Nang pumasok ako sa Marvel Trucking doon ko napatunayan na kaya ko rin palang kumita kahit ‘di ganoon kataas ang aking pinag-aralan, basta may sipag at tiyaga ka lang. Araw-araw ako bumabiyahe para sa aking pamilya. Sa Marvel, iba ang turing nila samin. Hindi lang isang driver kundi isang partner at isang kapamilya. They always advise us at patuloy na pinapalago ‘di lang pang personal na paglago kundi sa marami pang aspeto.
Kaya saludo ako sa Marvel Trucking at lubos akong nagpapasalamat dahil kung ‘di dahil sa oportunidad at pagkakataon na ibinigay nila, ‘di ko mapapag-aral ang mga anak ko at mabibigyan ng magandang kinabukasan.
Kayo, mga kapwa ko Driver, ano ang kwento n’yo? Gusto n’yo rin ba maranasan ang nararanasan kong kakuntentuhan sa trabaho?
Gaya ni John, maaari kayong magbahagi ng inyong kwento o hugot tungkol sa inyong buhay at karanasan bilang Driver.
Pwede kayong mag-comment sa ibaba para mabasa rin ng iba ang inyong kwento!
Hanggang sa susunod na Blog!