Post details

Read the full story here

NAIIBA SI MARVEL

NAIIBA SI MARVEL

Ilang taon na rin akong nagta-trabaho bilang Delivery Helper. Marami na akong napagsilbihan na trucking company pero hindi ako nagtatagal. Marami akong dahilan kung bakit. Akala ko, magiging ganoon na lang ang takbo ng buhay ko, palipat-lipat ng pinapasukang trabaho. Pero noong natanggap ako sa Marvel (Marvel Trucking Solutions Inc.), nasabi ko na sa sarili ko na, “Dito, magtatagal ako.”

Maraming dahilan upang manatili sa trabaho ang isang empleyado, pero sa akin ito ang ilan lang sa mga nakapukaw ng aking interes.. IBA SI MARVEL!

 COMPETITIVE SALARY, INCENTIVES AND DIRECT HIRE! Kay Marvel makakasiguro ka na ang sahod mo ay hindi bababa sa minimum, may mga allowances pa kada byahe at iba’t ibang klase ng incentives galing sa management! Wala na ding ibang kaltas dahil direct hire. Tiyak na makakaipon ka para sa kinabukasan ng iyong pamilya.

 WALANG PALYANG SAHOD AT KUMPLETO BENEPISYO. Linguhan ang pasahod, alinsunod sa takdang araw at wala itong palya. SSS, PHILHEALTH, PAG-IBIG… kumpleto! Hindi ka namangangamba sa oras ng pangangailangan dahil alam mong kay Marvel, kumpleto benepisyo ka.

 FREE TRAINING NA, MAY SWELDO PA. Sabi ko nga, sa dami ngnapasukan ko na trucking, si Marvel lang ang nagbibigay ng libreng training sa mga bagong empleyado nila. ‘Yung iba kasi, isasalang agad sa delivery kahit na alam naman nila na baguhan lang sa trucking ‘yung tao. Ang ending? Ayun, maraming charges sa kliyente. Pero iba si Marvel. Bibigyan nila kayo ng sapat na araw upang magtrain habang kumikita ka nadin! Aalalayan at tuturuan kayo ng mga batikang drivers and helpers nila upang matutunan mo ang proseso ng pagde-deliver. Hindi nila kayo pababayaan.

 APPROACHABLE MANAGEMENT. Madaling lapitan ang management ng Marvel. Makikinig sila sa inyo at tutulungan nila kayo na ma-resolba ang inyong mga problema sa delivery man o sa iba pang bagay. Pakikinggan din nila ang inyong mga saloobin sa mga isyung inyong hinaharap sa trabaho, at kung kayo man ay may nais ipabatid na ideya, solusyon at suhestion para sa ikabubuti nating mga empleyado at ng kumpanya.

 WELL-MAINTAINED ANG TRUCKS. Noon nag-apply ako dito, trucks ‘yung una kong napansin. Bago lahat! Brand new! Malilinis at halatang naalagaan. Hindi mo aakalain na almost 3 years na pala ‘yung mga trucks dahil parang bago pa talaga lahat. Doon pa lang, malalaman mo na, na may disiplina ang mga Drivers at Helpers na gumagamit… ibig-sabihin din ay marunong mag-disiplina ang management ng Marvel.

 MALINIS ANG GARAHE. Ito, compare sa trucking companies na napasukan ko, ang garahe ng Marvel ang isa sa pinaka-malinis at pinaka-maayos na nakita ko. Lahat nasa ayos. Maraming mga basurahan sa buong garahe, may designated area para sa pagsisigarilyo, maayos ang palikuran, at lugar para sa kainan at pahingahan. Ayon sa management ng Marvel, mahalaga na malayo sa mga trucks ang smoking area upang maiwasan ang mga ‘di inaasahang pangyayari katulad ng sunog namaaaring makapinsala sa mga trucks at sa mga empleyado mismo. May mga nakatalagang fire extinguishers sa buong garahe upang maagapan kung may mangyaring hindi inaasahan.

 LIBRENG BARRACKS. LIBRE! Tama ka! De-aircon pa! May sariling cr, may shower pa! May TV para panooran sa oras ng pahinga. Ang barracks na ito ay para sa mga empleyadong nais na magpahinga nalang kaysa bumyahe pa pauwi pagkatapos ng delivery. Para din ito sa mga malalayo ang bahay o kaya nama’y taga probinsya.

 BAGONG PAMILYA. Halos pamilya ang samahan. Kahit ano pang pagkatao mo, saan ka galing, basta mabuti ang iyong kalooban, tatanggapin ka nila ng buong puso.

Mula nang mag-umpisa ako dito sa Marvel hanggang ngayon, hindi ako nagsisisi na dito ako nag-apply at nagta-trabaho. Naging mas maayos ang aking ‘career’ at alam ko na mas marami pa akong matututunan at matatanggap na benepisyo dito para sa akin at para narin sa kinabukasan ng aking pamilya.