Dogs are man’s bestfriend ika nga nila. Nagbibigay sila ng kakaibang ligaya sa buhay ng kanilang mga amo.
Hindi iyan naiiba sa aming opisina. Nitong taong kasalukuyan, nakatanggap kami ng isang aso mula sa isang kakilala. Ang asong ito ay pinagalanan naman naming Marbella.
Si Marbella, tulad ng ibang aso, ay masiyahin at mahilig makihalubilo sa mga tao, lalo na sa mga drivers at helpers ng aming kumpanya. Hindi naglaon, nabiyayaan sya ng anim na supling. Makukulit at malayang nag gagala sa aming garahe ang mga tuta na ikinatutuwa naman ng aming mga crew dahil dumami ang kanilang malalarong aso.
Ilang buwan ang lumipas, napansin ng aming mga crew na nabawasan ang mga tuta. Nang ibalita sa kanila na ang ilan sa mga ito ay binawian na ng buhay, lubos nila itong ikinalungkot at halos hindi sila mapalagay habang sila’y nasa meeting kasama ang mga managers.
Nakakagalak masaksihan ang kakaibang koneskyon ng aming mga tao sa alaga naming hayop at lubos ang epekto sa kanila ng pagkawala ng ilan sa mga ito. Ramdam mo na binibigyan nila ng importansya ang bawat isa sa kanilang kapaligiran.
Gusto rin namin malaman ang experience mo na related dito! Pwede kang mag-iwan ng message or comment sa ibaba upang maibahagi mo rin ang iyong karanasan at koneksyon sa inyong mga alagang hayop!
Thank you for reading ! Until our next blog!!!