New normal, New cases
Nagtatrabaho para mabuhay o nabubuhay para magtrabaho.?
Hindi pa man natatapos ang banta ng COVID-19 ay muling bumalik na sa operasyon ang ilan sa mga kompanya. Balik trabaho ang mga empleyado sa kabila ng takot at pangamba.
Ngunit ang ilan naman ay patuloy lamang sa pagsilbi at trabaho mula ng mapabalita ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay ang mga frontliners: mga PNP, barangay captains at barangay tanod natin, officials na nagsisilbing bantay para sa seguridad ng ating mamamayan;
mga doctors and nurses na nangangalaga ng ating mga kalusugan;
mga drivers at helpers na nagiging channel upang makarating ang mga kagamitan, pagkain at iba’t ibang pangunahing essentials para sa pang araw araw na pamumuhay…
..mga magigiting na bayani sa kanilang bayang pinagsisilbihan.
Para sa mga pamilya ng ating mga frontliners maging matatag tayo bagamat may banta para sa kalusugan nila ginagawa nila ito para sa pamilya at mga mahal nila sa buhay..At sana bigyan natin sila ng lakas para harapin ang araw araw na hamon ng buhay, isama sa pagdarasal para sa knilang kaligtasan ganun din ang kaligtasan ng lahat….maraming salamat po….